Nagbigay babala ang lokal na pamahalaan ng Villasis laban sa iligal na pagbebenta at pagbili ng lupang pang-agrikultura na hinahati at ibinebenta bilang residential lots nang walang sapat na pahintulot.
Ayon sa LGU, pinapayagan lamang ang ganitong transaksyon kung kumpleto ang legal na papeles gaya ng reclassification ng lupa, aprubadong subdivision plan, development permit mula sa LGU at Certificate of Registration at License to Sell mula sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Binigyang-diin din na tanging mga rehistradong real estate agents lamang ang maaaring magbenta ng mga ari-arian.
Nagbigay ng mahigpit na paalala ang pamahalaan na ang sinumang lalabag ay maaaring maharap sa mabigat na parusa sa ilalim ng Presidential Decree No. 957 at Executive Order No. 648, kabilang ang multang aabot sa P20,000 at pagkakakulong na maaaring umabot hanggang 10 taon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







