
Umarangkada na simula ngayong araw, April 15, ang Service Contracting Program (SCP) ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na mapapakinabangan ng mga commuter at transport operators sa bansa.
Bahagi ito ng hakbang ng pamahalaan upang matulungan ang mga driver at operator na patuloy na kumita sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis.
Sa ilalim ng programa, gobyerno ang magbabayad sa mga operator at driver batay sa kilometrong kanilang tinatakbo sa loob ng limang araw, habang magkakaroon naman ng karagdagang 20% diskwento sa pamasahe para sa mga commuter—bukod pa ito sa umiiral na diskwento para sa senior citizens, persons with disabilities (PWDs), at mga estudyante.
Facebook Comments










