Wednesday, August 19, 2026

MAGKAPATID, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA SUAL; P78,200 HALAGANG HINIHINALANG SHABU, NASAMSAM

‎‎Arestado ang dalawang magkapatid sa isang matagumpay na buy-bust operation laban sa ilegal na droga na isinagawa ng mga tauhan ng Sual Municipal Police Station (MPS), katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1 (PDEA RO1), noong August 17, 2026 sa Sual, Pangasinan. ‎ ‎
Nasakote sa operasyon ang isang 37 anyos na lalaki at ang kanyang 26 anyos na nakababatang kapatid. Pareho silang residente ng San Carlos City, Pangasinan at parehong construction worker. ‎
‎Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting mala-kristal na substansiya na hinihinalang shabu. Tinatayang nasa 11.5 gramo ang kabuuang timbang nito at may Standard Drug Price na P78,200.
‎ ‎Narekober din sa operasyon ang iba pang ebidensya at isang itim na motorsiklo na umano’y ginagamit ng mga suspek sa kanilang ilegal na aktibidad. ‎ ‎Nasa kustodiya na ng Sual MPS ang mga naarestong magkapatid at ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. ‎
‎Inihahanda na ang reklamo laban sa mga suspek dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments