
Arestado ng mga operatiba ng lokal na pulisya at mga tauhan mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Mines and Geosciences Bureau (MGB) at Monitoring and Information Assistance Center (MIAC) ang tatlong indibidwal matapos masangkot sa ilegal na aktibidad ng pagmimina sa Barangay Bahi, Barobo, Surigao del Sur.
Ang tatlong minero, na may mga edad na 33, 34, at 45, ay nahuling nagsasagawa ng ilegal na pagmimina na walang kaukulang permit at lisensya mula sa DENR.
Narekober sa kanila ang mga kagamitang nagkakahalaga ng ₱5 milyong piso, kabilang ang mga water pump at isang backhoe.
Ang mga naarestong indibdwal ay nasa kustodiya ng pulisya para sa tamang disposisyon.
Kung saan sila ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 7942 o Philippine Mining Act of 1995.
Habang ang mga nakumpiskang gamit ay dinala sa DENR-CENR Office Sa Lianga, Surigao del Sur para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.










