
Kinumpirma ng Department of Education (DEPED) na 6,224 na mga paaralan sa Mindanao ang naapektuhan ng malakas na lindol kanina.
Ito ay mula sa limang rehiyon na na-expose sa epekto ng lindol.
Ayon sa DepEd, 3.2 milyong mag-aaral at 128,000 teachers at personnel naman ang apektado ng pagyanig.
Inanunsyo na rin ni Education Sec. Sonny Angara ang suspensyon ng klase sa mga apektadong lugar.
Hindi pa masabi ng kalihim kung ilang araw tatagal ang suspek ng klase sa mga nilindol.
Samantala, inatasan na rin ng DepEd ang lahat ng mga paaralan na pag-ibayuhin ang kanilang paghahanda laban sa lindol.
Kabilang dito ang mga evacuation procedure at regular na pagsasagawa ng earthquake drills, para higit na mapalakas ang kahandaan sa mga panahon ng emergency.
Facebook Comments










