Malawakang mga kilos-protesta, ikakasa kung hindi mapipigilan ang LRT fare increase

Nagbanta ang Akbayan Party-list ng malawakang mga kilos-protesta kung hindi mapipigilan ng gobyerno ang nakaambang pagtaas sa April 2 ng pamasahe sa Light Rail Transit o LRT-Line 1.

Ayon kay Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña, ang hiningi ng taumbayan ay palawigin ang operating hours ng LRT kaya nakakadismaya na dagdag-pasahe at pasakit ang ibinigay.

Giit ni Cendaña, karapatan ng mga commuter na konsultahin hinggil sa fare hike sa LRT na talaga namang hindi makatao.


Ayon kay Cendaña, palaging bukas ang mga mananakay para sa dayalogo pero binabalewala ang kanilang mga daing.

Una ring nanawagan si Cendaña ng dayalogo kay bagong talagang Transportation Secretary Vince Dizon para pag-usapan ang mga isyu sa sektor ng transportasyon.

Facebook Comments