Isinagawa ang pagsasanay sa Dagupan City National High School sa ilalim ng programang, “Maging CPR-Ready Barangay Na!” ng Philippine Heart Association (PHA) Council on Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) North Luzon Chapter, sa pangunguna ng mga cardiologist at kinatawan ng samahan.
Kabilang sa mga lumahok ang mga kawani ng City Health Office (CHO), Public Order and Safety Office (POSO), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), at mga Barangay Health Workers.
Tinuruan sila ng wastong pamamaraan ng pagsasagawa ng CPR bilang agarang paunang lunas sa mga biktima ng cardiac arrest at iba pang sitwasyong nangangailangan ng mabilis na interbensiyong medikal.
Mahalaga umano ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa basic life support upang madagdagan ang bilang ng mga indibidwal na may kakayahang makapagbigay ng agarang tulong habang hinihintay ang pagdating ng mga propesyonal na tagapagligtas o mga medical responder.
Bahagi ang pagsasanay sa mas malawak na kampanya ng Philippine Heart Association na naglalayong gawing mas handa ang mga barangay sa buong bansa sa pagresponde sa mga sakuna at iba pang sitwasyong nagbabanta sa buhay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










