
Nananawagan si Bicol Saro Party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan sa Department of Labor and Employment (DOLE) na makipag-ugnayan sa Bangko Sentral ng Pilipinas at Department of Trade and Industry (DTI).
Para ito sa pagkakasa ng training na magbibigay sa mga manggagawang Pilipino ng sapat na kaalaman laban sa iba’t ibang uri ng panloloko gamit ang internet.
Nakakabahala para kay Yamsuan na dahil sa mahusay na paggamit sa artificial intelligence o AI ng mga scammer ay marami tayong mga kababayan ang nabibiktima ng panloloko tulad ng mga pekeng investements.
Tinukoy ni Yamsuan ang impormasyon mula sa global credit reporting agency TransUnion na nawalan ng pera ang 34% sa 74% na mga Pilipino na tinarget biktimahin ng digital fraud schemes nitong 2024 sa pamamagitan ng email, phone call, text messaging at online postings.
Bunsod nito ay iginiit ni Yamsuan na maturuan ng gobyerno ang publiko kung saan nila dapat ipihunan ang kanilang pinaghirapang kita o ipon upang hindi ito maglaho sa modus o iba’t ibang scam.