Mga Pilipino sa Lebanon, inalerto kaugnay ng libing bukas ng napatay na Hezbollah leader

Pinag-iingat ng Philippine Embassy sa Lebanon ang mga Pilipino roon kaugnay ng paghahatid bukas sa huling hantungan sa napatay na Hezbollah leader Hassan Nasrallah.

Si Nasrallah ay napatay sa air strike ng Israel noong Setyembre ng nakalipas na taon at bukas pa lamang ito ililibing.

Ang mga Pilipinong nakatira sa Lebanon ay pinapayuhan ng embahada na maging mapagmatyag sa kanilang paligid at umiwas sa lahat ng mga demonstrasyon at malalaking pagtitipon.

Mainam din anila na manatili muna sa loob ng kanilang mga tahanan ang mga Pinoy roon.

Pansamantala namang isasara bukas ng ilang oras ang Beirut Airport at isususpinde muna ang mga flight.

Nakahanda na rin ang mga awtoridad sa Lebanon sa inaasahang makapal na crowd sa paglilibing sa Hezbollah leader.

Facebook Comments