
Nakiisa ang mga pulis sa Kampo Krame sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.
Pagsapit ng alas-9:00 ng umaga kanina, sabay-sabay silang nag-duck, cover, and hold at pagkatapos ay lumabas sa Philippine National Police (PNP) open grounds.
Ayon sa Pambansang Pulisya, sa pamamagitan ng patuloy na pagsasanay maiiwasan ang pagkawala ng maraming buhay at bilang ng mga masasaktan kapag tumama ang malakas na lindol.
Sentro ng 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ang Dipolog City Sports Complex sa Zamboanga del Norte.
Pero ito ay isinasagawa sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga pribadong sektor sa buong bansa upang maitatak sa isip ng bawat isa ang mga dapat gawin habang at pagkatapos lumindol.
Facebook Comments