MGA SERBISYO NG PAMAHALAAN, INILAPIT SA MGA OFW AT PAMILYA SA PANGASINAN SA PAMAMAGITAN NG ONE-STOP-SHOP

Hindi na kailangang magtungo sa magkakaibang tanggapan upang makalapit sa iba’t ibang programa at tulong ng pamahalaan ang mahigit 1,000 Overseas Filipino Workers o OFWs at kanilang mga pamilya sa Pangasinan.

Sa pamamagitan ng OWWA Serbisyo Caravan na isinagawa noong Agosto 27 sa Binalonan, inilapit sa mga benepisyaryo ang iba’t ibang government programs, serbisyo at assistance sa iisang lugar.

Isinulong ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA ang programa sa pamamagitan ng one-stop-shop approach upang gawing mas madali at accessible ang pagkuha ng serbisyo para sa mga OFW at kanilang pamilya.

Ayon kay OWWA Central Office Director IV for Operations Nestor Burayag, mahalaga ang ganitong mga programa sa pagpapalakas ng koordinasyon at pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Sa pamamamgita ng programa, ang mga serbisyo mismo ang inilalapit sa komunidad at nabigyan sila ng mas madaling access sa mga programang may kaugnayan sa kanilang kapakanan, kabuhayan at iba pang pangangailangan.

Para sa mahigit isang libong OFW at kanilang pamilya na nakinabang, ang OWWA Serbisyo Caravan ay naging pagkakataon upang mas mailapit sa kanila ang mga serbisyong inilaan ng pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments