MRT-3, inilagay sa heightened alert bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Lunes, June 16

Naka-heightened alert na ang pamunuan ng Metro Rail Transit o MRT-3 bilang paghahanda sa ligtas na pagbabalik-eskuwela ng mga estudyante sa Lunes, June 16.

Nakaantabay na ang mga security at station personnel ng linya upang umagapay sa mga pangangailangan ng mga pasahero lalo na ang mga estudyanteng magbabalik-eskwela.

Mayroon ding mga K-9 unit mula sa MRT-3 at sa Philippine Coast Guard na nagbibigay ng karagdagang seguridad laban sa anumang bomb-related threats.

Naglagay rin ng mga commuter welfare assistance desk na maaaring lapitan para sa asistihan ang mga commuter.

Facebook Comments