
Nakikipag-ugnayan na ang New NAIA Infra Corporation sa Office for Transportation Security (OTS) matapos ang insidente ng tanim-bala modus sa NAIA 3
Ayon sa NNIC, layon nito na maipapatupad ng maayos ang security monitoring, tamang screening procedures, at ang transparency sa security operations sa NAIA.
Tiniyak din ng NNIC na agad silang nakikipag-ugnayan sa OTS para ma-review ang CCTV footage kaugnay ng nasabing insidente.
Agad din anilang maglalabas ang OTS ng resulta ng kanilang imbestigasyon at mga hakbang para hindi na maulit pa ang pangyayari.
Ang OTS ang tanging nangangasiwa sa screening sa mga paliparan kabilang na ang X-ray baggage inspections.
Facebook Comments