
Aprubado ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalaan ng ₱2.7 billion na pondo ng Commission on Elections (Comelec) para sa idaraos na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, gagamitin ang pondo sa panukala na ₱2,000 dagdag sa honoraria ng mga guro na magsisilbing electoral board members sa halalan.
Gagamitin din ang iba sa pagkuha ng mga support staff ng poll body.
Matatandaang ipinagpaliban sa Oktubre 13 ang Bangsamoro elections na dapat sana ay kasabay ng midterm elections sa Mayo.
Ayon naman kay DBM Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, hanggang bago matapos ang 2024 ay may mahigit ₱10 bilyon total unobligated allotment pa ang Comelec kung saan dito huhugutin ang pondo.