
Nilinaw ni Palace Press Officer Claire Castro na walang kaugnayan ang ₱85 na dagdag sahod sa National Capital Region (NCR) sa isinagawang rally ng religious group na Iglesia Ni Cristo (INC) sa EDSA White Plains kahapon.
Hindi aniya ito basta desisyon lamang ni Labor Secretary Francis Tolentino dahil dumaan ito sa pagtalakay at pag-apruba ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) matapos ang matagal na pag-aaral at paghahanda.
Iginiit din ni Castro na hindi dapat lagyan ng malisya ang tiyempo ng pag-aanunsyo ng wage increase.
Ipatutupad ang dagdag-sahod sa dalawang yugto kung saan ang unang ₱60 ay epektibo sa July 19 habang ang natitirang ₱25 ay ipatutupad sa January 2027.
Batay sa datos, nasa 1.1 milyong minimum wage earners sa NCR ang makikinabang sa dagdag-sahod.










