SSS CONTRIBUTIONS NG 210 JOB ORDER WORKERS SA SAN QUINTIN, SASAGUTIN NG LGU

Magkakaroon na ng SSS coverage ang mga Job Order (JO) workers ng Pamahalaang Bayan ng San Quintin matapos lumagda ang lokal na pamahalaan at Social Security System (SSS) sa isang Memorandum of Agreement (MOA) noong Setyembre 7, 2026.

‎Sa ilalim ng kasunduan, sasagutin ng Local Government Unit (LGU) ang SSS contributions ng tinatayang 210 Job Order employees simula 2027.

‎Matatandaang noong 2025, kinilala ng SSS ang San Quintin bilang unang Contribution Subsidy Provider sa buong Pangasinan matapos lumagda ang LGU sa isang kasunduan para sagutin ang SSS contributions ng mahigit 200 barangay workers.

‎Ngayong taon naman ay mga Job Order employees ng munisipyo ang bibigyan ng SSS coverage, kung saan LGU na ang sasagot sa kanilang contributions simula 2027.

‎Inilarawan ng lokal na pamahalaan ang bagong MOA bilang kauna-unahan sa 6th District ng Pangasinan.


‎Kabilang ang San Quintin sa 6th Congressional District ng Pangasinan kasama ang Asingan, Balungao, Natividad, Rosales, San Manuel, San Nicolas, Santa Maria, Tayug at Umingan.

‎Layunin ng bagong SSS arrangement na mabigyan ang mga kwalipikadong JO workers ng access sa mga social security benefits habang sila ay nagtatrabaho para sa lokal na pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments