
Walang dapat ikabahala ang bansa sa kautusan ni US President Donald Trump na ipatigil ang foreign aid o pagtulong sa pautang ng Amerika para sa Pilipinas.
Ayon kay National Economic and Development Authority Sec. Arsenio Balisacan, hindi direktang apektado ng kautusang ito ang Pilipinas dahil maliit na bahagi lang sa kabuuang ekonomiya ang tulong mula sa Amerika.
Karamihan din aniya sa short term na utang ng Pilipinas ay mula sa ibang mga institusyon ng ibang bansa at hindi galing sa US.
Ang mga pangunahing tatamaan aniya ng kautusang ito ay ang shareholder ng multilateral institutions ng US tulad ng World Bank, Asian Development Bank, at iba pang lending facility lalo na sa official development assistance.
Dagdag pa ni Balisacan, wala rin itong masyadong epekto sa kasalukuyang infrastructure flagship projects dahil karamihan sa mga proyektong ito ay pinopondohan ng Japan, Korea, ADB, at World Bank.