SAN QUINTIN NAGHIGPIT KONTRA ASF; PAGPASOK NG PORK CARCASSES, PANSAMANTALANG IPINAGBAWAL

Pansamantalang ipinagbawal ng Pamahalaang Bayan ng San Quintin ang pagpasok ng pork carcasses sa bayan para maiwasan ang pagpasok at pagkalat ng African Swine Fever (ASF).

Ipinatupad ang ban sa bisa ng Executive Order No. 050, Series of 2026, na nilagdaan noong Setyembre 22, 2026.

Ayon sa kautusan, saklaw nito ang pork carcasses na papasok sa bayan para sa pagbebenta, pamamahagi, kalakalan, pagproseso o iba pang komersyal na gamit.

Giit ng lokal na pamahalaan, layunin ng hakbang na maprotektahan ang mga lokal na hog raisers at mabigyan ng pagkakataon ang mga locally raised hogs na makapagsuplay.

Gayunman, hindi umano awtomatikong ipinagbabawal ang pagpasok ng live pigs.

Kailangan lamang ng health certificate, shipping permit at iba pang dokumento, gayundin ang pagsunod sa veterinary quarantine, animal health, biosecurity at iba pang ASF control requirements ng Department of Agriculture, Bureau of Animal Industry at mga kaukulang veterinary authorities.

Nakatakdang i-hold para sa inspection, kumpiskahin o ipasailalim sa kaukulang disposisyon ang mga pork carcasses na lalabag sa kautusan, alinsunod sa mga umiiral na regulasyon.

Mananatili ang temporary ban hanggang ito ay bawiin, baguhin o palitan ng panibagong kautusan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments