Pangulong Duterte, ibinunyag na malapit nang umabot sa stage one cancer ang kaniyang Barret’s disease

3717

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinabihan siya ng kaniyang doktor na malapit nang umabot sa stage one cancer ang kaniyang Barret’s disease.

Ang Barret’s esophagus ay isang kumplikasyon ng gastroesophageal reflux disease (GERD) kung saan napipinsala ang esophagus dahil sa acid mula sa stomach o tiyan at maaari itong mauwi sa esophageal cancer.


Sa kaniyang televised address, pinayuhan na siya na magbawas ng pag-inom ng alak at pinahihinay sa kinakain para maiwasan ang paglala ng sakit.

Si Pangulong Duterte ay nananatili sa kaniyang bahay sa Davao City at itinanggi niya ang mga kumakalat na ulat na lumipad siya patungong Singapore para magpagamot.

Una nang tiniyak ng Malacañang na nananatiling malusog at matibay ang Pangulo.

Facebook Comments