
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang paglulunsad ng National Tax Campaign 2025 ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kahapon.
Sa kaniyang talumpati sa launching ng kampanya, hinimok ni Pangulong Marcos ang mga Pilipino na gawin ang kanilang obligasyon sa pagbabayad ng tamang buwis.
Ayon sa pangulo, ang patas at epektibong tax system ay susi sa pagpanatili ng economic momentum ng bansa.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni Pangulong Marcos na ang bawat buwis na ibinabayad ng publiko ay gagamitin sa tama at magbubunga ng mga proyektong makatutulong sa pag-unlad ng bansa.
Dapat ding ipagmalaki ng bawat tax payer ang kanilang ambag na nagbibigay-buhay sa ating bansa.
Facebook Comments