2 PNP official, handang harapin ang anumang imbestigasyon hinggil sa pag-aresto kay FPRRD

Nakahanda sina Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director PMGen. Nicolas Torre III na harapin ang anumang imbestigasyon kaugnay sa kontrobersyal na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kasunod ng panawagan ni Senadora Imee Marcos na imbestigahan ng Office of the Ombudsman ang limang opisyal ng gobyerno kabilang sina Marbil at Torre dahil umano’y posibleng mga paglabag gaya ng arbitrary detention at grave misconduct.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, naninindigan sina Marbil at Torre na tumugon lamang sila sa hiling ng Philippine Center on Transnational Crime para tumulong sa pagsisilbi ng “Red Fusion Notice” mula sa International Criminal Police Organization (Interpol) laban kay dating Pangulong Duterte.

Giit pa ni Fajardo, naniniwala ang dalawang heneral na ginawa lamang nila ang kanilang tungkulin alinsunod sa batas at kanilang mandato.

Facebook Comments