PNP QUEZON, NAGSAGAWA NG SYMPOSIUM KONTRA DROGA AT TERORISMO

Cauayan City — Matagumpay na isinagawa ng PNP Quezon, Isabela, ang Anti-Terrorism, Anti-Drug Symposium at Moral Enhancement Program sa Quezon National High School.

Ang programa ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Municipal Anti-Drug Abuse Council na pinamumunuan ni Benmar S. Rafanan at ng Sangguniang Kabataan Federation sa pangunguna ni Cereiz Mae C. Mostrales.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni PMAJ Labasan ang kahalagahan ng maagang edukasyon laban sa terorismo.


Ipinaliwanag niya ang panganib ng terorismo, ang pitong yugto ng pangangalap ng New People’s Army, at ang epekto nito sa komunidad.

Hinihikayat ng PNP Quezon, Isabela, kasama ang Municipal Anti-Drug Abuse Council at SK Federation, ang mga kabataan na maging aktibong tagapagtaguyod ng kapayapaan at seguridad hindi lamang sa paaralan kundi pati na rin sa kanilang barangay.

Pinayuhan din ang mga mag-aaral na maging mapanuri at magkaisa upang mapanatili ang kapayapaan sa kanilang komunidad.

Facebook Comments