PNP-SOSIA, nagbabala sa mga nagpapanggap na pulis na nanghihingi ng donasyon sa private security sector

Nagbabala ngayon ang Philippine National Police – Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) laban sa mga nagpapanggap na pulis na nanghihingi ng pera o donasyon sa mga private security industry stakeholders.

Ayon sa PNP-SOSIA, nakatanggap sila ng mga ulat na may mga taong tumatawag o nakikipag-ugnayan sa mga security agencies para humingi ng donasyon, pera man o “in kind” gamit ang pangalan ng PNP.

Nilinaw ng SOSIA na hindi sila nagsasagawa o nagpapahintulot ng anumang uri ng solicitation.

Iligal din ang ganitong gawain at isang scam na sumisira sa reputasyon ng Pambansang Pulisya.

Kasunod nito, hinihikayat ng tanggapan ang lahat ng stakeholders sa private security industry na huwag magbigay ng anuman sa mga nagpapanggap na kinatawan ng PNP.

Sa halip, agad itong i-report sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya para sa kaukulang aksyon.

Facebook Comments