
Cauayan City – Nadakip ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation matapos maaktuhang nagtutulak ng ilegal na droga sa lungsod ng Tuguegarao.
Kinilala ang suspek na si alyas “Jon” , 28-anyos, isang pribadong empleyado, at residente ng nasabing lungsod.
Nasamsam sa kay “Jon” ang isang sachet ng hinihinalang shabu, P500 na buy-bust money, isang cellphone, at isang motorsiklo.
Ito na ang pangalawang beses na nahuli ang suspek sa parehong kaso matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa isang poseur buyer.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na siya ng mga awtoridad at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Facebook Comments