Rutang Sydney, Australia ng CebuPac muling binuksan

Muling binuksan ng Cebu Pacific (CebPac) ang mga direktang flight nito patungong Sydney, Australia kasunod ng pagpapagaan ng mga paghihigpit sa paglalakbay sa Pilipinas at Australia.

Ayon sa Cebu Pacific sa ngayon nagpapatakbo sila ng mga flight sa pagitan ng Manila at Sydney nang tatlong (3) beses kada linggo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Ang Flight 5J 39 ay aalis ng Maynila nang 11:20PM at darating sa Sydney Kingsford Smith Airport nang 9:50AM ang flight 5J 40 ay lilipad palabas ng Sydney ng 11:20AM at darating sa Manila nang 5:50PM tuwing Martes, Huwebes at Sabado.


Ang mga nasabing ruta ay natigil ng higit dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Xander Lao, Chief Commercial Officer ng Cebu Pacific layon din nito na matugunan ang pangangailangan ng mga manlalakbay sa pagitan ng dalawang bansa.

Facebook Comments