VIRAL: Ahas ‘tumabi sa pagtulog’ ng isang bisita

2500
Image via Facebook/Melinda Major

Nagulantang ang bisita ng isang hotel sa Memphis, Tennessee noong Biyernes ng umaga matapos makakita ng kulay berdeng ahas sa kamang tinutulugan.

Kuwento ni Melinda Major, mahimbing siyang natutulog nang bigla maramdaman na may gumagapang sa braso.


Pagmulat ng mata, bumulaga sa kaniya ang makamandag na hayop.

Dahil sa sobrang takot, napatalon siya sa kinahihigaan at agarang tinanggal ang ahas. Tumama ito sa headboard pero buhay pa rin.

Agad ipinaalam ni Major sa front desk ang insidente at kalaunan dumating ang isang pest control team para patayin ang ahas.

Kinumpirma naman ng Hampton Inn Walnut Grove ang pangyayari.

Paglilinaw ng pamunuan, “Everything has been resolved.”

“I’m not a snake person. I can deal with spiders and all the icky things, but snakes are not my thing,” sambit ni Major.

Dagdag pa niya, “it was a scary, scary situation.”

Sa kabila ng sinapit, nanatili pa rin ang babae sa hotel at sinabing babalik pa din siya dito.

“As horrified as I am of snakes, they acted on it quickly. They were very helpful,” ani Major.

Facebook Comments

From Advertisers