Tuesday, June 16, 2026

₱20 BIGAS PROGRAM, MULING ILULUNSAD PARA SA MGA KWALIPIKADONG DAGUPEÑO

Muling nagbalik ang programang Benteng Bigas Meron Na (BBM) o ₱20 Rice Project upang magbigay ng abot-kayang bigas sa mga kwalipikadong residente ng lungsod ng Dagupan.

Isinagawa ang pamamahagi ng bigas sa City Plaza kaninang alas syete ng umaga kung saan layon na matulungan ang iba’t ibang sektor ng komunidad sa gitna ng patuloy na pangangailangan para sa mas murang pangunahing pagkain.

Kabilang sa nakinabang sa programa ang mga senior citizen, persons with disabilities (PWDs), solo parents, benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), mga magsasaka, mangingisda, at mga miyembro ng tricycle operators and drivers associations (TODA) na may kaukulang permit at driver’s license.

Patuloy namang hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga kwalipikadong mamamayan na samantalahin ang mga ganitong programa upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na gastusin at matiyak ang sapat na suplay ng bigas sa kanilang mga tahanan.

Ang pagbabalik ng ₱20 Rice Project ay bahagi ng mga hakbang upang mailapit sa mga residente ang mga programang nagbibigay ng direktang tulong at suporta sa kabuhayan ng bawat Dagupeño. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments