Nasamsam mula sa isang High-Value Individual (HVI) at kanyang kasamahan ang nasa ₱408,000 na halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan, madaling-araw ng June 14, 2026.
Ayon sa ulat, kapwa residente ng Urdaneta City, Pangasinan ang mga suspek na naaresto sa naturang operasyon na pinangunahan ng PNP Drug Enforcement Group Special Operations Unit 1, katuwang ang Malasiqui Municipal Police Station at ibang yunit.
Nakumpiska mula sa operasyon ang humigit-kumulang 60 gramo ng hinihinalang shabu at narekober din ang buy-bust money, isang kalibre .38 revolver na may dalawang bala, at isang motorsiklong umano’y ginamit sa ilegal na aktibidad.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









